Restriksyon sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan, posibleng mauwi sa diskriminasyon

Posibleng mauwi sa diskriminasyon ang pagkakaroon ng restriksyon sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Ito ay kasunod ng apela ng ilang business at industry group ng mas mahigpit na restriksiyon sa mga hindi pa bakunado.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa nababakuhan lalo na ang mga mayroong medikal na kondisyon.


Muli namang umapela si Vergeire sa publiko na magpabakuna na para maprotektahan ang kanilang sarili at pamilya sa COVID-19.

Habang pinaalalahanan nito ang mga indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna na sundin pa rin ang minimum public health standards dahil maaari pa rin silang tamaan ng virus.

Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na bukas ang kagawaran sa mga ganitong rekomendasyon ng mga pribadong sector.

Facebook Comments