Magpapatupad si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ng malawakang restructuring sa hanay ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at PNP Drug Enforcement Group (PDEG)
Ayon kay Azurin, ang mga ito kasi ang frontline agency ng PNP sa kanilang internal cleansing program at kampanya kontra iligal na droga.
Ani Azurin, ang hakbang na ito ay isasagawa habang hinihintay ang resulta ng ebalwasyon ng 5-man committee na siyang magrerekomenda kay Pangulong Bongbong Marcos kung kaninong courtesy resignation ang tatanggapin.
Ito’y kasunod na rin ng hamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa mga koronel at heneral ng PNP na maghain ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng paglilinis sa mga tinaguriang ninja cop sa hanay ng kapulisan.