Manila, Philippines – Ilalabas na sa Lunes, December 11 ng World Health Organization (WHO) ang kanilang report hinggil sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Sabi ni Health Sec. Francisco Duque III, makikita rito ang rekomendasyon ng WHO para sa DOH para sa kanilang pagdedesisyon.
Ayon pa kay Duque, mas mabuting hintayin na lang ang resulta ng mga imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng kongreso.
Dito kasi aniya malalaman kung may pananagutan ang mga dating opisyal na responsable sa implementasyon ng Dengvaxia vaccine sa mga bata.
Facebook Comments