Manila, Philippines – Inilabas na ng Korte Suprema angresulta ng 115th bar examinations.
Matapos ang isinagawang special en banc session ng mgamahistrado, inihayag ni Associate Justice Presbitero Velasco, chairman ng 2016bar exam ang top 10 sa pagsusulit kung saan topnotcher ang estudyanteng si KarenMae Calam ng University of San Carlos na nakakuha ng 89.05 percent.
Apat na taga-University of San Carlos ang nakapasok satop 10 kabilang na si Calam, tatlong sa Siliman University habang walang taga-UPo Ateneo-De Manila na nakapasok.
Aabot sa 59.06% o 3,747 bar examinees ang pumasa mula sakabuuang 6,344 na pinakamaraming kumuha ng exam.
Ito na ang pinakamataas na pumasa mula sa pinakamahirap napagsusulit sa bansa.
Sakop ng bar exams ang walong (8) subjects nakinabibilangan ng Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law,Remedial Law, Mercantile Law, At Legal And Judicial Ethics.
Itinakda ang oath taking ng mga bagong abogado sa May 22sa MOA Arena.
Resulta ng 2016 bar examinations – inilabas na….estudyante mula sa University of San Carlos, topnotcher sa pinakamahirap na pagsusulit
Facebook Comments