Ilalabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2019 bar examinations sa April 29.
Pero ayon sa Office of the Bar Confidant, i-a-upload na lamang sa website ng Korte Suprema ang listahan ng mga nakapasa sa bar exams.
Kaiba ito sa nakagawian na mayroong hiwalay na public announcement ng resulta ng pagsusulit sa compound ng Korte Suprema.
Sa abiso ng Office of the Car Confidant, wala ring papayagan na makapasok sa compound ng Supreme Court sa nasabing petsa hindi tulad ng dati.
Hindi na rin ipapaskil sa paligid ng Korte Suprema ang listahan ng mga bar passers.
I-a-upload na din lamang sa website ng SC ang mensahe ni 2019 Bar Exam Chairperson Associate Justice Estela Perlas Bernabe.
Ito ay bilang pagsunod sa social distancing na ipinapatupad ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinayuhan naman ang mga makakapasa na antabayan ang abiso ukol sa clearance procedure, oath taking ceremony at roll signing.