Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y iregularidad ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 2020 population census sa Quezon City.
Ito ay matapos ibunyag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na tumaas sa 23,932 o 0.81% ang populasyon sa lungsod, na malayo sa projected growth rate na 2.42% kada taon o 12.1% sa loob ng limang taon.
Sa ilalim ng House Resolution 2171 na inihain nina Quezon City Representatives Jesus Suntay, Jose Christopher Belmonte, at Alfred Vargas, hinihimok ng mga ito ang kongreso na magsagawa ng pagdinig sa umano’y pagkakaiba-iba ng PSA report.
Batay kasi anila sa inilabas ng Civil Registry Department ng Quezon City, umabot sa 300,000 kapanganakan at 100,000 ang naitalang nasawi nitong nakalipas lamang na limang taon.
Maituturing naman itong imposible dahil ang datos sa nakitang pagtaas ng populasyon sa lungsod.