Resulta ng 2024 Shar’iah Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang listahan ng mga nakapasa sa 2024 Shar’iah Bar Examinations.

Labing-isa ang nakapasok sa Top 10 kung saan nanguna si Nurhaifah Punginagina na nakakuha ng 86.75% na passing rate.

Sumunod sa kaniya si Sittie Nazriyyah Gubat sa Top 2 na may 86.10%, at pangatlo naman si Sittie Fairoza Alonto na may 86.025%.


Pang-apat si Joanina Suwalawan-Adjinoor, pang-lima si Ayesha Aminah Mambuay, pang-anim si Fatimah Sohra Usodan.

Nasa pang-pito hanggang pang-sampung pwesto naman sina Aznakrah Orpila Acmad, Abdulwasi Albem Barapangcat, habang parehong nasa ika-sampung pwesto sina Maria Belen Al-Namit at Normalah Said.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh, makasaysayan ang Shari’ah Bar Exams ngayong taon dahil ito ang unang pagkakataon kung saan isang miyembro ng Supreme Court ang nagsilbing chair ng exams.

Inanunsiyo naman ni Justice Singh mula sa kada dalawang taon ay isasagawa na bilang taunan ang Shari’ah Bar Exams.

Facebook Comments