Resulta ng April 2024 Pharmacists Licensure Examination (PhLE), inilabas na ng PRC

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong araw ang naging resulta ng naganap na Pharmacists Licensure Exam (PhLE).

Batay sa resulta, nasa 1,185 ang tinatayang nakapasa mula sa 2,147 na nag-take ng PhLE.

Ang nanguna o top scorer ay nagmula pa sa Unibersidad de Zamboanga na si Rhedz-wei Talling Hadjula at may average na 92.85%.


Sinundan naman ito ni Anthony Castillon Tocayon, mula sa University of the Philippines Manila (UPM) na may average na 92.50%.

Samantalang ang pangatlong nakakuha ng pinakamataas na score na may average na 92.47% ay nagmula University of San Agustin at ito ay si Nick David Martinez Corcino.

Ang mga pumasa ay maaaring magsimulang magparehistro sa darating na June 10 para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration.

Para sa mga karagdagang impormasyon maaaring bisitahin ang official website ng PRC: www.prc.gov.ph.

Facebook Comments