Ilalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Hunyo ang resulta ng awtopsiya sa labi ng Filipino worker na si Constancia Dayag.
Ayon kay NBI Spokesperson, Deputy Director Ferdinand Lavin – natapos na ng ahensya ang autopsy nitong Huwebes (May 23).
Aniya, ang samples at specimen na isinailalim sa laboratory examination ay kadalasang inaabot ng tatlong linggo hanggang isang buwan.
Si Dayag ay natagpuang patay noong May 14 sa bahay ng kanyang employer sa Kuwait.
Pinaghihinalaang pisikal at seksuwal na inabuso si Dayag matapos mapaulat na nagtamo ito ng matitinding pasa sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Facebook Comments