Resulta ng Bar Exams, ilalabas sa December 5

Ilalabas na sa December 5 ang resulta ng nagdaang 2023 Bar Examinations.

Ito ang inianunsiyo ng Office of the Bar Chair sa ilalim ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Supreme Court sa mga kumuha ng Bar na sundan lamang ang opisyal na paraan ng komunikasyon.


Ito’y para sa mga update at manatiling mapagbantay laban sa misinformation.

Sa abiso pa ng Korte Suprema, sa courtyard o bakuran ng Supreme Court Main Building sa Padre Faura Street sa Maynila gagawin ang paglalabas ng resulta ng 2023 Bar sa Dec. 5 ng hapon.

Maglalagay rin ng LED walls ang Korte Suprema sa courtyard kung saan makikita ang pangalan ng mga pumasang examinee.

Paalala rin sa mga examinee na may iiral na dress code kung saan bawal ang mga open heeled at open toed na sapatos, sleeveless, hindi abot sa tuhod ang palda o skirt, may mga punit at see-through

Una nang inanunsiyo ng Supreme Court Office of the 2023 Bar Chair na sa December 22 gagawin ang panunumpa ng mga pasadong kumuha ng Bar na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Facebook Comments