Resulta ng clinical trials ng gamot para sa COVID-19, posibleng ilabas sa susunod na dalawang lingo ayon sa WHO

Posibleng mailabas na ng World Health Organization (WHO) ang resulta ng clinical trials sa mga gamot na maaaring epektibo sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, aabot na sa 5,500 na pasyente mula sa 39 na bansa ang naka-enroll sa Solidarity Trial.

Inaasahang magkakaroon na ng interim results sa susunod na dalawang linggo.


Sinabi naman ni WHO Emergencies Program Head Mike Ryan, na wala pang katiyakan kung kailan magkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Bagama’t maaaring may lumabas nang bakuna sa katapusan ng taon, kinukwestyon kung paano ang magiging mass production nito.

Sa ngayon, nasa 18 potensyal na bakuna ang sinusubok ngayon sa tao.

Samantala, sa huling datos ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 40,336 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 11,073 ang gumaling, at 1,280 ang namatay.

Facebook Comments