Resulta ng crime lab kaugnay sa masaker sa Bulacan, ilalabas na ngayong araw

Bulacan – Inaasahang ilalabas na ngayon araw ang resulta ng Crime Laboratory kaugnay sa malagim na masaker na nangyari sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay PNP Region 3 Director Police Chief Supt. Aaron Aquino, na ilalabas na nila ang resulta sa isinagawang Crime Lab kaugnay sa mga ebidensyang nakuha ng Bulacan PNP sa pinangyarihan ng krimen sa pagmasaker sa pamilya Carlos sa Bulacan.

Paliwanag ni Aquino, malalaman na kung maituturing na sarado ang kaso ng pamilya Carlos depende sa resultang ilalabas nila mamaya sa media.


Matatandaan na inihayag ni Bulacan Provincial Director Sr. Supt. Romeo Caramat na kinuhanan nila ng finger prints ang itinurong Person of Interest sina Tony Garcia alyas Ponga, Roosevelt Zumura at alyas Inggo.

Facebook Comments