Resulta ng DNA test sa bangkay ni NDFP consultant na si Randall Echanis, inilabas na ng QCPD

175

Lumilitaw na iisang tao lamang ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Randall Echanis at Manuel Santiago na natagpuang patay sa Novaliches noong Lunes.


Ito ang lumabas sa isinagawang DNA test ng Quezon City Police District Crime laboratory kung saan nag-match ang DNA samples ni Echanis sa mga record ng pulisya.

Base sa resulta, “positive match” ang DNA test at fingerprint ni Echanis base sa mga record na hawak ng mga awtoridad.

Una ng binawi ng QCPD kahapon sa isang punerarya ang bangkay ni Echanis dahil hindi raw ito ang NDFP consultant bagkus isang Manuel Santiago.

Ang Manuel Santiago kasi ang nakapangalan sa mga identification card na nakuha sa apartment habang ang pangalan ding ito ang nakapirma sa rental agreement na nakuha sa may-ari ng apartment.

Facebook Comments