Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Philippine National Police ngayong Linggo ang resulta ng DNA test sa mga bahagi ng katawan na nakuha sa Jolo Sulu Cathedral kung saan nangyari ang dalawang malakas na pagsabog nitong January 27.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Bernard Banac sinusuri pa rin ng PNP Crime Laboratory ang dalawang pares ng paa na nakuha sa our lady of mt Carmel Cathedral.
Aniya sa 23 namatay sa pagsabog wala ni isang pamilya ang nagclaim na may nawawalang bahagi ng katawan ng kanilang namatay na kaanak o kapamilya.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Dutert na mag asawang suicide bomber ang suspek sa pagpapasabog na sinasang ayunan naman ng Armed Forces of the Philippines
May komunikasyon na rin ang PNP sa kanilang international counterparts para magpatulong sa genetic ancestry testing o mas malalim na pagsusuri para matukoy kung ano ang nationality ng dalawang pares ng paang nakuha sa pinangyarihan ng pagsabog.