Resulta ng drug test na isinagawa ng mga TV networks, dapat malaman – PDEA

Photo Courtesy: LIONHEARTV

Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dapat malaman ang resulta ng ramdom drug testing na isinagawa ng mga TV network sa mga empleyado nito, maging sa mga talent at third-part contractors nito.

Ito ay matapos ihayag ng mga TV networks na ABS-CBN at GMA na itinataguyod at pinapanatili nila ang drug-free workplace.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – nais niya na ilabas ng mga TV network ang detalye ng mga ito lalo na ang resulta ng random test na isinagawa sa kanilang mga artista.


Dagdag pa ni Aquino – dapat ding malaman kung ano ang proseso ng drug test kung ito ba ay isinagawa na may kinatawan mula sa PDEA o sa Philippine National Police Crime Laboratory.

Sinabi ni Kane Errol Choa, ABS-CBN Corporate Communications Head – ang kanilang network ay mahigpit at pinaparusahan ang mga lumalabag.

Ang mga talent at third-party contractors ay sumasailalim sa drug test bilang parte ng obligasyon sa kanilang kontrata.

Ang GMA Network ay tiniyak sa publiko na nagpapatupad sila ng company-wide drug-free policy.

Pinuri naman ni PNP Spokesperson, Police Colonel Bernard Banac ang dalawang network sa kanilang drug-free workplace policy at isa itong positive development.

Nabatid na naglabay ng statement ang dalawang TV networks nang isiwalat ng PDEA na nasa 31 artista ang nasa kanilang watchlist dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments