Resulta ng eleksyon, mabigat sa loob na tinanggap ni Senator De Lima

Aminado si Senator Leila De Lima na nahirapan siyang maghanap ng sasabihin dahil kahit anong pilit na intindihin ay napakabigat pa rin sa dibdib nya na tanggapin ang balita habang sya ay nakaditine, lumuluha at nananalangin sa Panginoon.

Ayon kay De Lima, gaya ng kamaraihan ay malawak at malalim ang natatanaw niyang implikasyon ng resulta ng eleksyon.

Pero giit ni De Lima, kailangan nating umusad at magpatuloy dahil walang mangyayari kung magmumukmok lang at iiwan ang nasimulan.


sabi ni De Lima Paunti-unti, ay kailangang mag-ipon ng lakas para makabangon mula sa panghihina at pagkadismaya, at buhatin ang sarili mula sa bigat na nadarama.

Taos pusong nagpasalamat si De Lima sa lahat ng bumoto, nangampanya, nagbahay-bahay, nagkabit ng mga tarp, namigay ng flyers, at nag-ambag ng oras, enerhiya at talento para sa kanyang pangangampanya para sa pagkasenador kahit sya ay nakabilanggo.

para kay De Lima, manalo man o matalo, ang mahalaga ay ang malasakit sa isa’t isa at ang pagmamahal sa ating bayan.

Sabi ni De Lima, wala syang pinagsisihan at habang buhay syang magpapasalamat sa oportunidad na makapaglingkod sa mamamayan kasabay ang pagtiyak na patuloy syang lalaban para sa katotohanan, katarungan at kalayaan.

Facebook Comments