Resulta ng eleksyon sa pagka-presidente, tanggap na ni VP Leni Robredo

Tinanggap na ni Vice President Leni Robredo ang resulta ng 2022 elections.

Sa pagsisimula ng canvassing ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress, nag-manifest ang legal counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na hindi sila tututol sa resulta ng canvassing ng mga certificate of canvass o COCs.

Bukod dito, wini-waive na rin nila ang kanilang appearance sa joint canvassing committee para mapabilis ang proseso ng bilangan ng boto para sa mga kandidato sa presidente.


Muli ring binanggit ni Macalintal ang mga naunang pahayag ni Robredo na kailangang tanggapin ang desisyon ng nakararaming Pilipino.

Nag-manifest din ang legal counsel ng kampo ni Manila Mayor Isko Moreno na si Atty. Rizalina Romera na hindi sila kokontra sa resulta ng canvassing.

Kasabay nito ay tumayo rin sa plenaryo ang legal counsel ni presumptive President Bongbong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez kung saan ipinaabot nito kina Robredo at Moreno ang pasasalamat sa pagkilala ng mga ito sa integridad ng resulta ng halalan.

Facebook Comments