Resulta ng genome sequencing sa close contact ng Pinay domestic helper na nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19, ilalabas na ng DOH

Pinoproseso na ng Department of Health (DOH) ang genome sequencing ng samples o specimen na nakuha sa close contacts ng Filipino female domestic helper sa Hong Kong na nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19.

Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na posibleng bukas o sa Huwebes ay kanila nang ilabas ang resulta ng pagsusuri.

Paliwanag ni Vergeire na siya ring pinuno ng task force na nagmo-monitor sa bagong variant ng COVID-19, lahat ng mga nakasalamuha ng Pinay domestic helper sa kanyang hometown at maging dito sa Metro Manila ay naka-isolate at sumailalim na sa RT-PCR test.


Una nang inanunsyo ng Hong Kong authorities na ang nasabing pasahero na nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 ay nagmula sa Metro Manila pero hindi pa tiyak kung saan niya ito nakuha.

Naninindigan kasi ang DOH na wala pang bagong variant ng COVID-19 ngayon dito sa bansa.

Facebook Comments