Resulta ng hiwalay na imbestigasyon ng Pilipinas at China sa banggaan sa Recto Bank, pagkukumparahin

Ipagkukumpara ng Pilipinas at China ang mga bersyon nito hinggil sa resulta ng imbestigasyon ng pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino fishing boat sa Recto Bank.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. – ikukumpara niya ang isang leaked report ng Philippine Coast Guard (PCG) at ang kopyang natanggap niya mula sa Department of Transportation (DOTr).

Dagdag pa ni Locsin – mayroong independent report ang China hinggil dito.


Matatandaang tinanggihan ng DFA ang joint investigation sa paglubog ng F/B Gem-Ver 1.

Una na rin sinabi ni Locsin na ang verbal fishing agreement ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ay hindi maaaring maipatupad at hindi maituturing na polisiya, taliwas sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ito ay isang ‘valid at binding.’

Facebook Comments