Resulta ng imbestigasyon ng AFP sa nangyaring friendly fire sa Marawi, hindi pa isasapubliko

Marawi City – Hindi na muna isasapubliko ng Armed forces of the Philippines ang resulta ng ginawang imbestigasyon ng kanilang binuong board of inquiry kaugnay sa nangyaring friendly fire sa Marawi City.

Ayon kay Maj. Gen. Rafael Valencia ang AFP Inspector General, nitong nakalipas na Biyernes na natapos na ang imbestigasyon sa insidente at ang dokumento ay nasa tanggapan na ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año.

Pero dahil sa nagpapatuloy ang combat operation sa Marawi ay inirekomenda ng board of inquiry na huwag munang ilabas ang resulta ng imbestigasyon.


Makakaapekto raw kasi ito sa ginagawang operasyon ng mga sundalo sa Marawi City at posible mas malagay sa mapanganib na sitwasyon ang kanilang mga buhay.
Matatandaang sa nangyaring friendly fire sa Marawi City noong May 30, 10 sundalo ang napatay habang 7 ang sugatan.
DZXL558

Facebook Comments