Posibleng ilabas anumang araw ng China ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa banggaan ng Chinese vessel at Philippine fishing boat sa Recto Bank noong June 9.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – nagsasagawa ang China ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente kaya posibleng mayroon na silang findings.
Dagdag pa ni Panelo – tapos na ang imbestigasyon sa panig ng Pilipinas kaya kapag ikinumpara na ang findings ng dalawang bansa at nagtugma ang mga ito ay hindi na kailangan pa ng third party para rito.
Matatandaang hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang preliminary investigation report ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) hinggil dito.
Facebook Comments