Resulta ng imbestigasyon ng DOJ sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos, ilalabas na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ilalabas na sa susunod na linggo ang resulta ng imbestigasyon ng panel of prosecutors hinggil sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Sa nasabing kaso, apat na pulis ng Caloocan ang sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Tiniyak naman ni Aguirre na sa loob ng buwang ito ay matatapos na rin ang imbestigasyon ng DOJ sa kaso ng pagpatay kina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman.


Isinisi naman nina Aguirre at ni Public Attorney’s Office chief Persida Acosta ang pagkaantala sa pagtakbo ng nasabing imbestigasyon sa mga grupong humaharang at nagkakanlong sa mga testigo.

Facebook Comments