Resulta ng imbestigasyon ng LWUA laban sa PrimeWater, naisumite na sa Palasyo

Inaaral na ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) kaugnay ng mga reklamo laban sa PrimeWater.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naisumite na sa Office of the President ang final report ng LWUA na binubuo ng isang folder na may kasamang dalawang kahon ng balikbayan boxes.

Batay sa LWUA, bukod sa mga rekomendasyon ay nakapaloob sa dokumento ang salaysay ng mga residenteng nakaranas ng palpak na serbisyo ng PrimeWater.

Tiniyak ng Palasyo na oras na matapos ang pag-aaral sa report, ay gagawa ng legal na aksyon ang Palasyo ng naaayon sa batas at walang masasagasaan.

Facebook Comments