
Sasalang na ngayong araw sa pagpupulong sa Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) laban sa PrimeWater.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pag-uusapan sa pulong kung paano sosolusyunan ang mga natanggap na reklamo sa serbisyo ng kumpanya.
Tiniyak ng Palasyo na gagawan ng legal na aksiyon ng gobyerno ang hinaing ng mga customer, at pag-aaralang mabuti ang susunod na hakbang para sa PrimeWater, lalo’t may 73 na joint ventures agreement ito sa mga local water districts.
Matatandaang inireklamo ng mga konsyumer ang kumpanyan dahil sa umano’y pangit na serbisyo.
Facebook Comments









