Resulta ng imbestigasyon ng NBI na nagdidiin sa mga pulis sa pagpatay kay Kian Delos Santos, magpapalakas daw sa kasong isasampa ng PAO

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta na lalong madidiin sa kasong murder ang mga pulis na nakapatay kay Kian Lyod Delos Santos.

Ito ay matapos na magtugma ang resulta ng imbestigasyon nila sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng NBI.

Lumalabas kasi na planado at sinadyang patayin ang binatilyo.


Dahil dito, posibleng ipa-subpoena ang mga sangkot na pulis para pagpaliwanagin.

Handa naman daw magpuyat ang PAO sakaling hingan pa sila ng counter reply sa isusumiteng counter affidavit ng mga suspek.

Kahapon, sinampahan na ng NBI ng kasong murder, violation of domicile at paglabag sa batas kontra sa pagtatanim ng ebidensya sina C/ Insp. Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Tolete Pereda at PO1 Jerwin Roque.

Facebook Comments