Ano mang oras ngayon ay ilalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng kanilang imbestigasyon, kung sucide ba o may foul play sa pagkamatay ni NBI Counter-Terrorism Division Chief Raoul Manguerra.
Base sa initial report, nakarinig ng putok ng baril ang mga tauhan ni Manguerra kamakalawa ng gabi na mula sa loob ng opisina nito at nang pasukin nila ang kwarto ay natagpuang may tama ito ng bala ng baril sa tiyan na agad namang naisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Kinumpirma naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-isa lamang sa loob ng kanyang opisina si Manguerra nang mangyari ang insidente.
Sinabi pa ni Guevarra na malaking kawalan sa NBI at Department of Justice (DOJ) si Manguerra lalo na’t malaki ang kontribusyon nito sa sunod-sunod na pagkakaaresto sa Abu Sayyaf fighters sa Metro Manila, at sa iba’t ibang bahagi ng bansa.