Resulta ng imbestigasyon ng PCG at MARINA hinggil sa insidente sa Recto Bank, dapat isapubliko

Manila, Philippines – Nanawagan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na isapubliko ng gobyerno ng Pilipinas ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) kaugnay ng paglubog ng Filipino fishing vessel sa Recto Bank noong June 9-10.

Ayon sa Bayan, importanteng mailabas ang resulta ng imbestigasyon at pamamaraan ng imbestigasyon upang malaman ang magiging susunod na hakbang ng pamahalaan.

Para sa grupo, mahalagang maikumpara ang mga resulta ng imbestigasyon ng PCG at ang mga naunang pahayag ng mga Pilipinong mangingisda.


Samanatala, hindi naman makakatulong sa paghahanap ng hustisya ang sinasabing joint probe kasama ang China, kahit pa may third party na kasama.

Sinabi ng Bayan na dapat itaguyod ang soberanya ng Pilipinas at hindi dapat pumayag na ang siyang iniimbestigahan ay kasama sa imbestigasyon.

Facebook Comments