Resulta Ng Imbestigasyon Ng Senado Kaugnay Sa Extra Judicial Killings Sa Bansa, Itinuturing Na “Basura” Ni Senador Anton

32

MANILA – Itinuturing na basura ni Senador Antonio Trillanes IV ang inilabas na resulta ng imbestigasyon ng senado kaugnay sa extra judicial killings.Ayon sa Senador – lumalabas na Duterte collaborator ang committee report ni Senador Richard Gordon.Aniya, ang naturang report ay cover-up ng extra judicial killing sa bansa na nagsimula at dumami noong umupong Pangulo si Duterte.Pinasaringan pa nito si Gordon at sinabing sumisipsip lang sa kanyang political patron.Matatandaang base sa committee report ni Gordon, binigyang diin nito na walang kinalaman ang pamahalaan sa nagaganap na extra judicial killings.Inirekomenda rin nitong kasuhan ng murder charges ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato dahil sa pagpatay nito alleged terrorist na si Sali Makdum.

Facebook Comments