Resulta ng imbestigasyon sa mga flood control projects sa Quezon City, handa nang isumite sa ICI

Handa nang isumite sa Independent Commision for Infrastructure (ICI) ang naging resulta ng ginawang imbestigasyon sa mga flood control projects sa Quezon City.

Sa isang punong balitaan, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kumpirmadong may mga flood control projects na idineklarang kumpleto ngunit hanggang ngayon ay on-going pa rin ang pagsasagawa nito.

Ani Belmonte, may problema sa koordinasyon at walang makitang proyekto sa lugar.

Batay rin sa imbestigasyon, umabot na sa 331 flood control projects ang kanilang naitala na umabot sa P17-bilyon ang halaga ngunit dalawa lamang sa mga proyektong ito ang inaprubahan ng lokal na pamahalaan.

Iginiit ng QC-LGU na malaki ang halagang nasayang sa mga proyektong ito na dapat sana ay inilaan na lamang sa pagdagdag ng mga classroom, primary health care facilities at pabahay.

Facebook Comments