Resulta ng imbestigasyon sa pagpatay sa siyam na aktibista sa CALABARZON, hinihintay ni Pangulong Duterte

Mariing itinanggi ng Malacañang na sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpaslang sa siyam na aktibista sa CALABARZON.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay ng Pangulo ang resulta ng imbestigasyon bago maglabas ng komento.

Bagama’t ipinapakita ng Pangulo ang kaniyang pagsuporta sa mga pulis, hindi naman niya kinukonsinte ang anumang ilegal na gawain.


Ginagamit lamang aniya ang puwersa kung mayroong banta sa kanilang mga buhay.

Una nang tiniyak ng Palasyo sa European Union at iba pang human rights groups na papanagutin ang lahat ng sangkot sa pagpatay.

Facebook Comments