Resulta ng imbestigasyon sa sunog sa LRT-2, ilalabas na

Inihahanda na ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ilabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkasunog ng dalawang power rectifier ng LRT Line 2.

Ayon kay interior Undersecretary Epimaco Densing III, posibleng ilabas ang resulta ngayong araw.

Tiniyak ni Densing na agad na makakapagsimula ang pamunuan ng LRT-2 na kumpunihin ang nasirang bahagi ng linya.


Sinabi naman ni Transportation Usec. Mark De Leon, may mga ginagawa na silang mga hakbang para masolusyonan ang trapiko.

Pero giit ng DOTr, wala pang krisis sa transportasyon.

Para kay House Transportation Committee Chairperson, Samar Rep. Edgar Sarmiento, may krisis man o wala, patuloy na nagdurusa ang commuters.

Aminado ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na wala silang nakahandang Disaster Recovery Plan nang mangyari ang sunog pero mayroon silang Risk Management Plan.

Facebook Comments