Resulta ng imbestigasyon sa umano’y data breach sa COMELEC, ilalabas ngayong linggo

Maglalabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng final report sa imbestigasyon nito hinggil sa umano’y data breach sa kanilang server.

Una rito, sinabi ng Manila Bulletin na nakatanggap ang kanilang Technews team ng verified information mula sa hindi pinangalanang source ukol sa pangha-hack sa system ng COMELEC noong Sabado na pinangangambahang makaapekto sa integridad ng halalan sa Mayo.

Kabilang umano sa mga nakuhang datos ng mga hacker ay ang username at personal identification numbers ng mga vote counting machine.


Pero paglilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi pa nag-e-exist sa kanilang server ang mga nasabing datos dahil hindi pa nila ito nakukumpleto.

Target ng poll body na tapusin ang kanilang imbestigasyon ngayong linggo.

Facebook Comments