Resulta ng imbestigayon sa naganap na PNP-PDEA misencounter nitong Pebrero, matatapos na

Matatapos na ang isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa naganap na shootout sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Pebrero,

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, inaasahang bago matapos ang Agosto ay maipapasa na ang ulat sa DOJ.

Tanging ang resulta na lamang ng digital forensic examination ng mga cellphone ng operatiba ang hinihintay para matapos ang imbestigasyon.


Maliban sa mga cyber warrants, kasama rin sa mga sinusuri ay ang 22,000 pahina ng text messages, call logs, videos, at larawan sa bawat cellphone.

Nitong February 24 naganap ang PNP-PDEA misencouter sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na ikinasawi ng 2 pulis, isang PDEA agent at informant na muntikan pang maulit nitong Mayo sa Fairview, Quezon City.

Facebook Comments