Resulta ng Japan visit, agad na mararamdaman – PBBM

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad mararamdaman ng mga Pilipino ang mga benepisyo mula sa limang araw niyang pagbisita sa Japan.

Sa isang video message sa kanyang Instagram page, ipinagmalaki ng pangulo na aniya’y napaka-produktibo niyang pagbisita sa Japan.

Ikinuwento ng pangulo ang matagumpay niyang pakikipagpulong maging sa mga top executive at top Japanese businessmen doon na aniya’y maghahatid ng libu-libong trabaho sa mga Pilipino at bagong oportunidad upang mapalago ang ekonomiya ng bansa.


“We are talking about agriculture, we are talking about digitalization, we are talking about industry, we are talking about automotive development, we are talking about energy, even education, tourism… We have discussed great many subjects,” ani Marcos.

“I think that we will be able to feel the effects of these discussions, of these agreements very, very soon, very rapidly back home in the Philippines,” saad pa ng pangulo.

Nabatid na 35 investment pledges na sumasaklaw sa mga negosyong may kinalaman sa imprastraktura, enerhiya, manufacturing, healthcare, telecommunications at iba pa ang nakuha ng delegasyon ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Trade and Industry, tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng 10 billion dollars.

Magtatapos ang five-day official visit ni Marcos sa Japan ngayong araw, February 12.

Facebook Comments