Magpapatupad ng kaunting adjustments o pagbabago ang Marcos administration sa K to 12 program ng Department of Education (DepEd).
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa Sulu ngayong hapon.
Ayon sa pangulo, hindi gumanda ang employability ng mga K to 12 graduates kaya kailangan mag-adjust ng pamahalaan para tumaas ang tyansang makapasok sa trabaho ang mga senior high school.
Gayong ipinatupad aniya ang K-12 sa bansa dahil hinahanap ang years of training sa mga nag-apply ng trabaho kung saan sinasabing kulang ang Pilipinas dahil 10 years lang ang curriculum.
Dahil dito, pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng short courses na tatlo hanggang anim na buwan sa isang taon.
Gayunpaman, kailangan pa aniyang makipagtulungan sa pribadong sektor para matiyak na ang mga mapo-produce na skilled workers ay mapapasok sa kailangang trabaho ng mga kompanya.