Resulta ng lifestyle check ng AMLC sa mga opisyal ng PhilHealth, ilalabas sa Lunes

Isusumite na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Lunes, September 14, 2020, ang panel report nito sa Office of the President (OP).

Nilalaman ng report ang resulta ng isinagawang lifestyle checks sa ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay AMLC Executive Director Mel George Racela, ginagawa nila ang kanilang tungkulin na labanan ang graft at corruption lalo na sa kaso ng PhilHealth.


Bahagi sila ng task force na binuo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra at inatasan silang ibahagi ang lifestyle check investigation.

Inaalam sa lifestyle check kung mayroong itinatago o kwestyunableng yaman ang mga opisyal o kawani ng gobyerno.

Iginiit ni Racela na mandato ng AMLC na protektahan ang financial systems ng bansa mula sa money laundering at terrorism financing.

Mayroon silang detection system para sa mga kahina-hinalang financial transactions.

Tumutulong din ang konseho sa case build up laban sa mga nasa likod ng iligal na paglalabas ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth.

Facebook Comments