Resulta ng mosyon na inihain ng 21 na idineklarang nuisance candidates sa pagka-senador, posibleng ilabas ngayong araw ng Comelec

Nagsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng briefing para ipaalam ang mga update o paghahanda sa 2025 national and local elections maging ang ilang mga ginawang preparasyon para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections.

Kaugnay sa paghahanda sa eleksyon, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na 186 senatorial aspirants, 117 dito ay idineklarang nuisance candidates.

Dagdag pa ni Garcia, na posibleng ngayong araw ay ilalabas ng Comelec ang desisyon hinggil sa motions for reconsideration na inihain ng 21 na idineklarang nuisance candidates.


Kasama ng Comelec sa ginawang briefing ang ibang election watchdog tulad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Legal Network for Truthful Elections (LENTE), at PARTICIPATE PH bilang mga observer.

Facebook Comments