Natuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa resulta ng survey ng OCTA Research na nagsasabing 85% ng mga Pilipino ang naniniwala na tama ang direksyong tinatahak ng Pilipinas sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ayon sa pangulo, very encouraging ang pananaw na ito ng mga Pilipino.
Bagaman hindi pa aniya niya masiyadong napag-aralan ang survey, importante aniya ito para sa kaniya.
Paliwanag ng pangulo, gusto niya talagang maramdaman ng lahat ng antas o estado sa lipunan ang serbisyo ng gobyerno.
Ang mga ganitong resulta aniya ng mga pag aaral ay nagpapakita lamang na talagang nararamdaman ng bawat Pilipino ang gobyerno.
Facebook Comments