Resulta ng pag-aaral kaugnay sa paggamit ng laway para ma-detect ang COVID-19, ilalabas na ng RITM ngayong linggo

Ilalabas na ngayong linggo ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang resulta ng kanilang pag-aaral kaugnay sa saliva testing o paggamit ng laway para ma-detect ang posibilidad ng pagkakaroon ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakipagpulong na ang DOH sa RITM kung saan sinabi ng mga ito na tinatapos na lamang ang nasabing pag-aaral.

Matatandaang sa ngayon, pinayagan na ang Philippine Red Cross (PRC) na gamitin ang saliva samples para sa kanilang Polymerase Chain Reaction (PCR) tests na gaganapin sa iba’t ibang panig ng bansa.


Kasama na rito ang iba pang mall kung saan kabilang ang SM Southmall, SM Fairview, pati na ang SM Cebu, SM Bacolod at SM Iloilo.

Maaari namang magkaroon ng saliva testing sa SM Aura, SM North EDSA at SM San Lazaro.

Sa mga nais namang mag-book ng appointment, maaaring bumisita sa book.redcross1158.com.

Facebook Comments