Inaasahang mailalabas na ng Philippine Genome Center (PGC) sa Miyerkoles o Huwebes ang resulta ng pag-aaral kung nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binigyan ng pitong araw ang PGC para suriin ang sample na kinuha sa mga pasaherong dumating sa bansa.
Aniya, isinama rin sa pag-aaral ang mga samples mula sa mga nagpositibo sa COVID-19 nitong Nobyembre at Disyembre.
Paliwanag pa ni Vergeire, ang mga Pilipino na dumating sa Pilipinas mula sa bansang nakapagtala ng bagong variant ay dalawang beses kinunan ng swab sample.
Batay sa mga eksperto, ang bagong variant ng virus ay mas mabilis na makahawa kumpara sa original variant nito.
Facebook Comments