Resulta ng pag-aaral sa Ivermectin para gamitin sa COVID patients, malalaman ngayong linggo

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na malalaman nila ngayong linggo ang resulta ng pag-aaral ng mga eksperto sa Ivermectin.

Ang Ivermectin ay isang veterinary product at hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang panggamot sa viral infection.

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi kontra ang DOH sa paggamit ng Ivermectin para sa COVID patients sa bansa.


Aniya, kailangan lang talagang dumaan sa scientific process bago nila payagan na magamit sa tao ang nasabing gamot.

Sa ngayon aniya, wala pang aplikasyon para sa clinical trial para sa Ivermectin pero lahat ng ebidensya sa buong mundo ay pinag-aaralan na ng mga eksperto

Ang naihain pa lamang aniya ng local manufacturers ay ang aplikasyon para sa compassionate use permit.

Facebook Comments