Resulta ng pag-aaral sa lagundi at tawa-tawa bilang COVID-19 treatment, ilalabas na sa susunod na buwan

Ilalabas na ng Department of Science and Technology (DOST) sa Pebrero ang resulta ng pag-aaral sa paggamit ng herbal products bilang therapeutic supplement ng mga pasyente ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, kabilang dito ang lagundi at tawa-tawa bilang adjuvant o additional treatment para sa COVID-19.

Gayunman, hindi lang dapat umasa ang mga pasyente sa mga nabanggit na herbal products dahil ito ay gagamitin kasama ang kombinasyon sa iba pang treatments.


Maliban sa dalawang herbal products, pinalawig din ng DOST ang pag-aaral ng virgin coconut oil para sa mga severe COVID-19 cases para sa karagdagang data.

Kasabay nito, nananawagan ang DOST sa 15,000 indibidwal na maaaring lumahok para sa World Health Organization’s Solidarity Trial ng COVID-19 vaccines na magsisimula sa katapusan ng Enero o sa pagpasok ng Pebrero.

Magsisimula ang recruitment at pagpapatala ng mga lalahok sa barangay na mapipiling trial sites.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ng WHO kung anong brand ng COVID-19 vaccines ang gagamitin.

Facebook Comments