Sinisilip na ng World Health Organization (WHO) ang resulta magmula nang ipatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang paggamit ng face shield.
Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, isa ang Pilipinas sa kakaunting bansa sa buong mundo na nagpapatupad ng pagsusuot ng face shields.
Itinama rin nito ang sinabi ng Department of Health (DOH) na epektibo ang face shields laban sa COVID-19, at iginiit na hindi pa ito napapatunayan.
Sa ngayon, ilang ebidensiya na ang kinakalap ng WHO dahil sa kabila ng pagpapatupad ng paggamit ng face shields ay kumalat pa rin sa bansa ang mga bagong variant ng COVID-19.
Facebook Comments