Resulta ng pagpapatupad ng ECQ sa metro manila, masyado pang maaga para makita – DOH

Maaga pa para makita ang epekto ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa bilang ng mga COVID-19 cases.

Ito ang nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan sinabi nitong sa mga susunod na linggo pa malalaman kung bumababa na ang surge ng COVID-19 dahil sa ECQ.

Ayon kay Vergeire, ang mga naiitalang datos ngayon ay posibleng mula pa noong bago ipatupad ang ECQ lalo na’t mayroon ding tinatawag na incubation period ang virus sa katawan ng isang indibidwal.


Agosto 06 nang ipatupad ang ECQ sa National Capital Region na nakatakdang matapos sa Agosto 20.

Facebook Comments