Resulta ng pinakahuling senatorial survey ng Publicus Asia, inilabas

Inilabas na ng Publicus Asia ang pinakahuling resulta ng survey para sa 2025 senatorial race.

Nanguna rito si Senador Bong Go na nakakuha ng 42%.

Habang sumunod naman si dating Senador Bam Aquino na may 41%.

Malaki ang inangat ni Aquino mula sa dating 33% lamang noong unang quarter at nasa ikatlo hanggang ikaapat na pwesto.

Samantala, nasa ikatlong pwesto naman sa Senate Preference Survey ng Publicus sina dating senador Kiko Pangilinan, habang sumunod si Senator Bato dela Rosa at dating senador Ping Lacson para sa top 5.

Isinagawa ang survey nitong May 1 na nilahukan ng 3,000 respondents.

Facebook Comments