Resulta ng plebisito kaugnay ng BOL, ilalabas sa Biyernes

Sa darating na Biyernes mailalabas na ng Commission on Election o Comelec ang resulta ng ginagawang plebisito sa Mindanao kaugnay ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Mano-mano ang magiging bilangan ng boto sa plebisito.

Nagpaalala naman si Comelec spokesman James Jimenez sa mga botante na basahin ng tama ang tanong sa balota.


Nilinaw ni Jimenez na “yes” at “no” lamang sa English at diyalekto na katumbas ng salitang ito ang tatanggaping sagot mula sa mga boboto.

Aniya, hindi tatanggapin ng Comelec ang ‘check’ o ‘ekis’ na sagot o anumang simbolo na pamalit sa ‘yes’ o ‘no’.

Facebook Comments