Resulta ng Pulse Asia Survey kaugnay pag-amyenda ng Konstitusyon, pinalagan ng mga kongresista

 

Pinalagan ng mga kongresista ang resulta ng Pulse Asia Survey na nagsasabing 74 na porsiyento ng mga Filipino ang hindi sang-ayon na isagawa sa ngayon ang pag-amyenda sa 1987 Consitution.

Binatikos ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang paglalagay ng mga hindi kailangang tanong sa Pulse Asia Survey na nakakahikayat sa respondents para tutulan ang economic Charter change (Cha-cha).

Buwelta ni House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, malisyoso ang mga tanong sa survey tulad ng tungkol sa term extension na naghahatid ng pagkabahala sa publiko kaya ang resulta ng survey ay malinaw na hindi patas at hindi valid.


Ayon naman kay Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, may mga tanong na walang kinalaman at hindi naman kasali sa tinatalakay sa Kongreso kaugnay sa Cha-Cha.

Sabi naman ni La Union Rep. Paolo Ortega, bias o may kinikilingan ang mga tanong sa survey.

Iginiit naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na mahalagang maging akma ang mga tanong sa survey sa panukalang pagreporma sa Saligang Batas.

Facebook Comments