Resulta ng sinimulang COVID-19 pool testing, ilalabas sa susunod na linggo

39

Ilalabas sa susunod na linggo ng Department of Health (DOH) ang resulta nang isinagawang pool testing para sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa phase 2 na ang pilot run ng pool testing na hindi pwedeng basta-basta gamitin dahil sa posibilidad ng inaccurate results.


Aniya, ini-evaluate ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Philippine Society of Pathology ang resulta ng pool testing.

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi magiging efficient kapag ang gagamitan ng pooled testing ay mga lugar na mataas ang kaso.

Facebook Comments