Resulta Ng Survey Kaugnay Sa Magandang Epekto Ng 4Ps Sa Publiko, Patunay Ng ‘Matuwid Na Daan’ Ayon Sa Malakanyang

23

MANILA – Ikinatuwa ng Malakanyang ang resulta ng Social Weather Stations kung saan 80 percent ng mga botante ang sumusuporta sa kandidatong magpapatuloy ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pagbabawas sa kahirapan ng mga mamamayan.Patunay din ito sa mabuting pamamahala at tamang pagpapatupad ng Daang Matuwid ng Aquino administration.Aniya, tinitiyak ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagtaguyod ng mga programang pakikinabangan ng mga mahihirap na Pilipino.Matatandaang umabot na sa 4.4 million beneficiaries ang 4Ps mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa nang palawakin ito ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments