
Ipinagkibit-balikat lang ni 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang resulta ng survey ng Pulse Asia na 50% ng mga Pilipino ang kontra sa impeachment case kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Rodriguez, na isa rin sa mga miyembro ng House prosecution team, hindi dapat diktahan ng opinyon ng publiko ang proseso ng impeachment na itinatakda ng Konstitusyon.
Punto pa ni Rodriguez, hindi sapat na basehan ang mga survey lalo’t nakita sa resulta ng katatapos na midterm elections na nanalo ang mga kandidato sa pagkasenador na mababa sa mga survey.
Nilinaw rin ni Gutierrez na hindi mababago ng anumang resulta ng mga survey ang trababong dapat gampanan ng House presecution team na ipresenta sa impeachment court ang mga ebidensya sa impeachment case laban kay VP Duterte.









